^

PSN Palaro

8th wins inilista ng Stags; Red Lions dumikit

-

MANILA, Philippines - Tulad nang inaasahan, muling sumandal ang San Sebastian College sa tikas ni Jimbo Aquino at mala-moog na depensa sa ikaapat na quarter upang pigilan ang paninilat ng Mapua, 77-74 sa nalalapit na pagtatapos ng unang round sa 85th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Kipkip ang kabuuang 22 puntos, tumira ng 8 puntos si Aquino sa final canto upang ibandera ang ikawalong sunod na panalo ng Stags na naglapit sa kanila tungo sa sweep sakaling daigin nila ang mapanganib na Letran sa unang round sa Biyernes.

Gayunpaman, pinahirapan ng Cardinals ang Stags nang muntik nang humirit ng overtime ngunit hindi nagawang magpa-kawala ng tres sa huling 11.6 segundo matapos yakapin ni Allan Mangahas ang bola imbes na pakawalan ito bunga ng mahigpit na depensa ng Stags.

At ito ang nagresulta ng ikapitong kabiguan para sa Mapua.

“Jimbo Aquino is our go-to-guy and we made a key stop in the stretch,” wika ni San Sebastian coach Ato Agustin. “We were just lucky in this game, we couldn’t even make the shots that we usually make.

Samantala, pinatunayan ng Amerikanong si Sudan Daniel ang kanyang husay nang sandalan ng three-peat champion San Beda College ang kanyang performance tungo sa 96-81 panalo laban sa Jose Rizal University at okupahin ang solong ikalawang puwesto.

Nagpakawala ang 6’7 na si Daniel ng league high 31 puntos na tinampukan ng 11 sa ikaapat na yugto ng laro na nagbitbit sa Red Lions sa kanilang ikawalong panalo laban sa isang ka-biguan, o kalahating laro sa likuran nang namumunong San Sebastian Stags na may 8-0.

Bukod pa sa 31 puntos na produksiyon humatak pa ng 7 blocks, 4 rebounds at 1 assist si Daniel para sa kanyang maningning na laro.

Tinulungan din siya nina Garvo Lanete, Bam Bam Gamalinda at Adler dela Rosa na kumamada ng 15, 11 at 10 points, ayon sa pagkakasunod upang ilaglag ang Bombers sa ikatlong puwesto na may 7-2 baraha.

Sa aksiyon naman sa juniors, pinabagsak ng San Beda ang Jose Rizal, 111-103 upang masolo ang ikalawang puwesto na may 8-1 marka.

Pinayuko naman ng reigning four-peat titlist San Sebastian Staglets ang Mapua Red Robins, 96-62, para manatili sa No. 4 na may 6-2 slate.  (Sarie Nerine Francisco)


vuukle comment

ALLAN MANGAHAS

ATO AGUSTIN

BAM BAM GAMALINDA

GARVO LANETE

JIMBO AQUINO

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MAPUA

MAPUA RED ROBINS

RED LIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with