BANGKOK — Ang inaasahang malaking hamon sa Team Philippines ay naging makabuluhang leksiyon sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa 1st Asian Martial Arts Games kung saan sila ay 12th overall kung saan mas angat pa ang mga Southeast Asian rivals.
Nagtala ang mga Pinoy ng impresibong tagumpay sa taekwondo at wushu, ngunit nahirapan sa mga medal-rich events gaya ng judo at karate para magtapos na may dalawang gold, anim na silver at sampung bronze medals.
Si jin Jeffrey Figueroa at wushu artist Mary Jane Estimar ang nagdeliber ng ginto para sa bansa.
Si Figueroa, isang non-member ng RP national team ang nagdomina ng men’s bantamweight class habang si Estimar, silver medalist sa 2008 Beijing Olympics, ay ang gold medal sa women’s sanshou competition matapos ang silver-medal finish ni Mariane Mariano sa women’s sanshou 60-kg at ni Mark Ediva sa men’s sanshou 65-kg.
Mas maganda ang tinapos ng mga karibal ng Philippines sa SEA Games rivals sa 41-nation tourney na sukatan sana ng kahandaan ng bansa para sa 2009 Southeast Asian Games sa Laos.
Nakopo ng Thailand ang overall crown sa pagkopo ng 21 sa 108 total gold medals na pinaglabanan na sinundan ng Kazakhstan at Korea na may 15 gold at 10 gold medals, ayon sa pagkakasunod.
Nagtapos ang Vietnam bilang sixth place na may seven gold, 11 silver at 21 bronze medals kasunod ang Indonesia na may five gold, six silver at five bronze medals.
Ang Malaysia ay pang-14th na may two gold medals habang ang Laos, na sinasabing magiging dardkhorse sa SEA Games ay tumapos bilang 18th na may isang gold mula sa 19-gulang na muay fighter.