^

PSN Palaro

Kamao ni Cotto ang makikipag-usap

-

MANILA, Philippines - Kumpara sa mga nakalaban ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao, hindi makikihalo si world welterweight champion Miguel Angel Cotto sa anumang 'trash talk' na inaasahang gagawin ni American trainer Freddie Roach.

Sa panayam ng El Nuevo Dia, sinabi ng 28-anyos na si Cotto na hahayaan na lamang niyang ang kanyang mga kamao ang 'makipag-usap' sa 30-anyos na si Pacquiao sa kanilang laban sa Nobyembre 14 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

 "That has always been Freddie Roach's problem. He likes to be in that kind of role but here he doesn't have to be," ani Cotto sa 49-anyos na si Roach. "We have a lot of professionalism and we plan to show it."

Nauna nang sinabi ni Roach na kumpiyansa siyang mapapabagsak ni Pacquiao si Cotto sa kanilang 145-pound catchweight fight.

Ito ay bunga na rin ng liksi at lakas ni Pacquiao, naghari na sa flyweight, super bantamweight, super featherweight, lightweight at light welterweight divisions.

Ayon kay Cotto, hindi siya kagaya ng 36-anyos na si Oscar Dela Hoya at ng 30-anyos na si Ricky Hatton na parehong pinabagsak ni Pacquiao sa kanyang huling dalawang laban noong Disyembre 6, 2008 at Mayo 3, ayon sa pagkakasunod.

"At the end of the day, Freddie Roach, all he can do is try to prepare Pacquiao to beat Miguel Cotto. Freddie Roach knows what Miguel Cotto is capable of doing in the ring," sabi ni Cotto.

Dinadala ni Cotto, ang kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) welterweight titlist, ang 34-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 27 KOs kumpara sa 49-3-2 (37 KOs) card ni Pacquiao.

Sinimulan na ni Cotto ang kanyang preparasyon para sa kanilang banggaan ni Pacquiao na nag-iisip naman kung saan siya magsasanay. (Russell Cadayona)

COTTO

EL NUEVO DIA

FREDDIE ROACH

GRAND GARDEN ARENA

LAS VEGAS

MIGUEL ANGEL COTTO

MIGUEL COTTO

OSCAR DELA HOYA

PACQUIAO

RICKY HATTON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with