Luevano umamin na mahihirapan kay Concepcion
MANILA, Philippines - Sa pagtingin pa lamang sa boxing record ni Bernabe Concepcion ay alam na ni world featherweight champion Steven Luevano na magiging mahirap ang kanyang title defense.
Nakatakdang idepensa ni Luevano ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) featherweight crown laban kay Concepcion sa “Pinoy Power 2” sa Agosto 15 sa Hard Rock Cafe and Restaurant sa Las Vegas, Nevada.
“I think he’s a really tough fighter,” ani Luevano kay Concepcion. “I haven’t seen him fight, but just looking at his record show he’s a good, tough fighter. I know he’s strong, he’s a strong guy.”
Ibinabandera ng 28-anyos na si Luevano ang 36-1-1 win-loss-draw ring record kasama ang 15 KOs, samantalang taglay naman ng 21-anyos na si Concepcion ang 29-1-1 (16 KOs) slate.
Ito ang pang limang sunod na pagtatanggol ni Luevano sa kanyang WBO featherweight belt, ang huli ay nang talunin si challenger Billy Dib via unanimous decision noong Oktubre 18, 2008.
Ipinagpaliban ang salpukan nina Luevano at Concepcion sa undercard ng Manny Pacquiao-Ricky Hatton fight noong Mayo 3 bunga ng dalawang sugat sa kaliwang mata ng American champion.
“There should be no reason I should have ring rust when I’m sparring hard everyday. I should get over it,” ani Luevano. “It’s not going to be a problem or an issue because we spar everyday, so it should go away.”
Bukod sa banggaan nina Luevano at Concepcion, tampok rin sa “Pinoy Power 2” ang interim super flyweight fight nina world flyweight king Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. (21-1-0, 14 KOs) at Rafael “El Torito” Concepcion (13-3-1, 8 KOs) ng Panama.
Nasa boxing card ang pagtatagpo nina Filipino Mark Jason Melligen at Mexican Michael Rosales para sa isang 10-round light welterweight bout. (RC)
- Latest
- Trending