^

PSN Palaro

POC nanawagan sa mga sports leaders ng pagkakaisa

-

MANILA, Philippines - Kasabay ng paglilibing kay dating Pangulong Corazon Cojuangco Aquino, nanawagan ang Philippine Olympic Committee (POC) ng pagkakaisa sa hanay ng mga sports leaders.

Ayon kay POC spokesman Joey Romasanta, ang kara-ngalan ng bansa ang nararapat lamang na isaalang-alang ng mga sports officials sa mga nilalahukang international sports competition.

“Sa isang lalahukang international competition kagaya ng Southeast Asian Games, dapat isa lang ang sinasabi natin, ang Philippine Olympic Committee at ang Pilippine Sports Commission,” ani Romasanta. “Hindi puwedeng magkahiwalay ang landas. Dapat magkaroon tayo ng common understanding at paggalang sa papel ng bawat isa.”

Matapos ihayag ni POC president Jose “Peping” Cojuangco, Jr., nakababatang kapatid ni Gng. Aquino na kayang mag-uwi ng 60 hanggang 80 gold medals ang delegasyong lalahok sa 25th SEA Games sa Laos, sinabi naman ni PSC chairman Harry Angping na suwerte na kung umabot ito sa 20.

Ayon kay Romasanta, dapat nang matigil ang banggaan nina Cojuangco at Angping para sa kapakanan ng bansa.

“Ang Philippine Olympic Committee ay mayroong dapat gampanan na role as far as Philippine sports is concerned and likewise the Philippine Sports Commission. With the understanding and respect for each other, hindi dapat magpatalbugan rito. Ang importante lamang ay magtulungan at isantabi natin lahat sapagkat nandito naman tayo para sa bayan natin,” ani Romasanta.

Kagaya ng halimbawa ni Gng. Aquino, iniluklok si Roma-santa bilang executive director ng Project: Gintong Alay noong 1986, sinabi ng POC official na ang kapakanan ng bayan ang dapat isaisip ng bawat isa.

“Hindi ito para sa Philippine Olympic Committee, hindi ito para sa Philippine Sports Commission,” wika ni Romasanta. “Iisa ang ating layunin, and that is to make the country proud. Hindi tayo dapat magdebate kung ilang medalya ang makukuha natin at kung ilan ang hindi. Ang dapat nating pag-usapan ay kung ano ang dapat nating gawin at ano ang dapat nating pagtulungan.”

Matapos humakot ng 113 gold, 84 silver at 94 bronze me-dals noong 2005 Philippine SEA Games para angkinin ang overall crown, nahulog sa pang anim na puwesto ang mga Pinoy sa 2007 edition sa Thailand.

Nag-uwi ang delegasyon ng kabuuang 41-91-96 medals para sa sixth place. (Russell Cadayona)

ANG PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

AQUINO

AYON

COJUANGCO

DAPAT

GINTONG ALAY

PHILIPPINE

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

ROMASANTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with