MANILA, Philippines - Sumandig sa maak-syong third quarter na arangkada, naipilit ng reigning three peat champion San Beda ang pananaig matapos na buwagin ang Angeles U Foundation, 89-56 kahapon sa 85
thNCAA basketball tournament sa The Arena, San Juan City.
Matapos mahirapan sa depensang pinamalas ng Great Danes sa unang bahagi ng laban, lalong nag-init ang mga kamay nina Garvo Lanete at Bam Bam Gamalinda upang humulagpos sa third quarter upang tuluyang iselyo ang ikapito nitong panalo sa torneo.
“We started slow and soft. I guess we got complacent hoping we’ll win easily by just showing up,” wika ni San Beda coach Frankie Lim. “Good thing the boys came out big in the third quarter and I think we got our momentum there.”
Bumulsa ng 8 mula sa team high 20 points, bumulusok si Lanete sa habang humatak rin ng 8 puntos sa ikatlong bahagi si Gamalinda para mapanatili ang pwesto sa likod ng lider na San Sebastian. Tumapos rin ng 17 points, 11 rebounds at season high 8 blocks, naharangan ng higanteng Amerikano ng Beda na si Sudan Daniel ang kalaban.
Sa kabila naman ng pagiging maliit ng AUF kumpara sa bataan ng Bedans, napanatili nitong maliit ang agwat. Subalit sa huli, hindi na napigilan ang pagratsada nina Lanete, Gamalinda at Daniel, tulu-yan ng nawasak ng Lions ang estratehiya ng AUF.
Sanhi ng naiuwing panalo, tinatayang magi-ging mahigpit ang laban sa pinakahihintay na duelo sa pagitan ng San Beda at last year’s losing finalist na Jose Rizal sa Lunes.
Sa ikalawang laro, nalusutan ng Letran ang Emilio Aguinaldo College sa makapigil-hiningang 85-84 panalo sa overtime at manatili sa No. 4 na may 5-3 baraha.
Para sa Juniors’, kumuha ng lakas kay Jarelan Tampus, namayani ang Letran Squires konta Emilio Aguinaldo 133-77 para pa-ngalagaan ang imakuladang baraha na 8-0.
Habang sumandal ang San Beda sa kalibre ni Arthur Dela Cruz na nag-impok ng 30 points para itaob ang Angeles University, 172-39. (Sarie Nerine Francisco)