Alora bigo sa gold medal, yuko sa Chinese jin
BANGKOK-- Naglaho ang tsansa ni taekwondo jin Kirstie Elaine Alora para sa unang ginto ng Pilipinas at maiwanan ang silver at bronze medal sa kanilang kampanya sa 1st Asian Martial Arts Games kahapon sa Indoor Stadium Huamark dito.
Nagkaroon ng tsansa si Alora sa gold medal, ngunit yumuko kay Yeh Fung Chiang ng Taipei, 0-1 sa finals, isang ma-damdaming kabiguan pagkatapos ng magkasunod na panalo sa women’s middleweight class.
“It was very devastating,” anang 19-year old na si Alora habang inihahanda ng mga Filipino officials ang pagsabak nina Marlon Avenido at Karla Jane Alava sa huling pagtatangkang makamit ang gold medal sa taekwondo.
Ngunit hindi naging madali ang daan patungo sa finals.
Matapos gapiin ang Indonesian na si Seliana Angelina, 5-0 sa quarterfinals, ang 2005 SEA Games gold medalist ay nakaharap ang isa sa magaling na jins sa kontinente ngayon--ang 6’1 na si Ping Yang ng China, sa semifinals.
- Latest
- Trending