Pacquiao-Cotto fight muntik nang 'di matuloy

MANILA, Philippines - Muntik nang ikansela ni Manny Pacquiao ang kanyang laban kay Miguel Cotto kung hindi lang sini-guro ni Bob Arum na itataya ng Puerto Rican ang kanyang WBO welterweight title sa timbang na 145 lbs sa Nobyembre 14.

Sinabi ng abogado ni Pacquiao na si Franklin Gacal, na hinahanda na nila ang opisyal na pahayag na magsasabing naghahanap na sila ng bagong kalaban kung hindi rin lang itataya ni Cotto ang kanyang 147 title.

Sa ilang ulat na lu-mabas, sinabi ni Cotto na itataya lamang niya ang kanyang WBO title kung ang laban na magaganap ay sa 147 lbs, ang limit sa welterweight, ayaw ng 28 anyos na kampeon na magbayad siya sa WBO ng halagang $150,000 sanction fee.

“Bob Arum told us not to believe everything that’s being reported. Then he assured me that Cotto will put his WBO welterweight title on the line -- at 145 pounds,” wika ni Gacal mula sa Gen. Santos City.

“We have to take Mr. Arum’s word on that,” sabi pa ni Gacal.

Sinabi ng abogado ni Pacquiao na ang isyu sa timbang ay naayos na, at ngayon pera naman ang isyu bagamat may kasun-duan na sa hatian ang dalawang kampo.

Ayaw magbigay ni Gacal ng detalye at sinabi lamang na 65-35 sharing pabor kay Pacquiao sakaling may masamang senaryong maganap sa Filipino pound-for-pound champion na ngayon ay pangunahing atraksiyon sa boxing.

Umaasa din si Gacal na mapipirmahan na ang fight contract nina Pacquiao at Cotto para makapaghanda na ang dalawang boksingero sa maaring maganap sa ibabaw ng ring.

May mga ulat na naka-takdang magsimula na pagsasanay si Cotto ngayon sa Puerto Rico habang nais naman ni Freddie Roach na makapagsimula na si Pacquiao bago ang press tour sa ikalawang linggo ng Setyembre.

“We were almost ready to issue a statement that we’ll start looking for a new opponent because of all those talks that Cotto wants Pacquiao to go up to 147 before he stakes his crown,” ani Gacal.

Wala namang binanggit si Gacal kung sino ang boksingerong maaaring ipalit sakaling hindi matuloy ang laban kay Cotto. (Abac Cordero)


Show comments