Looney Tunes Active! fun run

MANILA, Philippines - Magbabalik ang Looney Tunes Active! fun run series ngayon sa Southville International School sa Las Piñas kung saan inaasahan ang pagdalo ng mga 4-12 anyos na kabataan kasama ang kanilang mga magulang.

Ayon sa organizers, bukas pa ang pagpapalista hanggang bago magsimula ang karera sa alas-4 ng hapon sa SIS sa 1281 Tropical Avenue Corner Lacson Road St. BF Homes International, Las Piñas City.

Para sa ilang detalye, tumawag kay SIS sports coordinator Rea Villa sa 0915-8714952.

Samantala, ang pagpapalista sa SM MOA fun run, ang pagtatapos ng dalawang buwang Looney Tunes fun run circuit, ay bukas hanggang Agosto 30. Tampok dito ang 3K at 5K runs at 3-on-3 basketball competitions.

Ang registration fee ay P300 sa 3K o 5K runs at P500 sa dalawang kategorya. Para sa ilang detalye, at on-line listup maglog-on sa www.looneytunesactiverun.com.ph o bumisita sa Nike Park sa Bonifacio High Street.

Show comments