^

PSN Palaro

SSC, JRU maghihiwalay ng landas

-

MANILA, Philippines - Upang maputol ang matagal na girian sa una-han, magtatapat ang last year’s runner up na Jose Rizal at San Sebastian upang magkaalaman kung sino ang nararapat manaig sa tuktok ng 85th NCAA basketball tournament na gaganapin sa The Arena, San Juan City.

Kasabay ng pagluluksa kay dating Pangulong Cory Aquino, humugot ng ins-pirasyon mula sa iniwang alaala ng namayapang team captain, umarangkada ang Bombers nang gibain ang Mapua Cardinals, 83-78, habang malinis pa rin ang kartada ng San Sebastian matapos wasakin ang Angeles University Foundation Great Danes sa pamamagitan ng 97-65 noong Lunes. 

Makaraang magdalamhati sa pagkamatay ni Jayson Nocom noong isang Linggo, pagpupursigehan nila na makamtam ang magandang record upang ialay sa nawalang kasamahan na masusu-bukan sa pakikipagbuno nito sa mabagsik na San Sebastian Stags ni Ato Agustin.

 “All our remaining games this season we’ll dedicate to Jayson Nocom,” anang Jose Rizal coach Ariel Vanguardia. “This one is also for President Aquino, she’s our symbol of freedom and democracy.”

Samantala, natengga sa hulihan, tabla rin ang Cardinals at Perpetual Help Altas na may 1-5 baraha.

Dahil dito, kapwa nag-aasam ang dalawang koponan na makaramdam ng kaginhawahan sa pakikipagtipan nito sa da-lawang pinakamalakas na koponan sa magkahiwalay na engkwentro dakong alas dos at alas kwatro ng hapon.

Para sa naturang laban, inaasahang magtatapat ang de kalibreng manlalaro ng JRU na si John Wilson na naglista ng 25 puntos sa huling laban habang hindi rin padadaig ang San Sebastian skipper na si Jimbo Aquino na bumulsa ng 21 points para sa tagumpay. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION GREAT DANES

ARIEL VANGUARDIA

ATO AGUSTIN

JAYSON NOCOM

JIMBO AQUINO

JOHN WILSON

JOSE RIZAL

MAPUA CARDINALS

PANGULONG CORY AQUINO

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with