MCC 1950 below susulong

MANILA, Philippines - Susulong ngayong araw ang MCC 1950 below standard chess tournament sa lower 2F ng St. Francis Square na matatagpuan sa likuran ng SM Megamall sa Mandaluyong City.

Bukas sa unrated, amateurs, beginners at rated players na may NCFP ratings na hindi tataas sa 1950, ang isang araw na torneo at gagamit ng 20 minutes time control sa unang tatlong rounds at 90 minutes sa huling dalawang laro. 

Magbibigay ng pangunahing premyo na P3,000 para sa kampeon. Ang cash prizes ay hinati-hati sa limang posisyon. Bibigyan din ng special awards ang top unrated, kiddies (12 under) at juniors (16-under).

Ang lahat ng interesadong partido ay maaaring magparehistro bago magsimula ang torneo. Para sa karagdagang detalye tumawag sa 994-5199 at 0916-852-1069.


Show comments