LAS VEGAS -- Patuloy na nahihirapan sa Cashman Center lanes ang mga Filipina bowlers na nabokya rin sa trios competitions ng World Women’s Tenpin Bowling Championships dito nitong Biyernes.
Kahit anong gawin ng mga Pinay, naging mailap pa rin ang suwerte sa kanila matapos ang apat na araw na aksiyon sa torneong ito na nilahukan ng 228 players mula sa record 45 countries.
Naghahabol na matapos ang unang tatlong games noong Huwebes at hindi pa rin nakabawi ang dalawang trios team sa pagtatapos ng six-game preliminaries.
Ang pambatong troika nina veterans Liza del Rosario, Liza Clutario at Krizziah Tabora, ang 2008 RP Open ladies’ masters champion, ay tumapos ng 3,555 pinfalls, para magtapos ng 29th place.
Ang isa pang team na ki-nabibilangan nina Apple Po-sadas, Kim Lao at Rachelle Leon ay No. 31 sa tinapos na 3,548 tally sa torneo kung saan sinuportahan ang kanilang kampanya ng PSC, Café Puro, UPHS, PAL at Gbox.
“The lanes continued to be difficult to read. But it’s over so we’re focusing on the team-of-fives, where I hope we can do better,” ani Jojo Canare, dating national team mainstay na nasa kanyang debut bilang RP women’s coach. “I simply told my girls to go out there and enjoy the game. I think that is also the same instructions of the coaches of the other teams are saying to their players.”