^

PSN Palaro

Martial arts players nagluluksang makikibaka

-

BANGKOK—Napukaw ng emosyunal na Team Philippines ang spotlight mula sa kanilang Asian counterparts sa opening ceremonies ng 1st Asian Martial Arts Games kahapon sa Indoor Stadium Huamark dito.

Suot ang mga dilaw na laso sa kanilang mga dibdib, magiting na nakipaglaban ang mga Pinoy sa 41 bansa sa nine-day meet, para sa morale-boosting performance bago sumabak sa 25th Southeast Asian Games.

Ang 2005 SEA Games gold medalist na si John Paul Lizardo ng taekwondo ang nagdala ng bandila para sa maliit na Philippine delegation sa pamumuno ni chief of mission Dave Carter ng judo at deputy chief of mission Jeff Tamayo ng soft tennis.

Kasama din si Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Eric Loretizo at Philippine Olympic Committee (POC) secretary-general Steve Hontiveros, na kumatawan kay POC president Jose Peping Cojuangco, kapatid ng yumaong dating Pangulong Corazon Aquino.

Kasama sana si Cojuangco ngunit hindi na tumuloy dahil sa pagpanaw ng kapatid sa edad na 76.

 “The athletes are mourning over the death of our former President, but it would not hamper their fighting spirit,” ani Hontiveros. “This is their chance to prove that they are prepared for the SEA Games. I have nothing else to say, but good luck to all of them.”

Ang Crown Prince ng Thailand na si Maha Vajiralongkorn ang tumanggap sa 1,300 athletes na maglalaban-laban sa 90 gold medals sa karatedo, taekwondo, muay, kickboxing, jujitsu, judo, kurash, wushu at pencak silat bago pagsasanibin ng Olympic Council ang torneo at ang tournament sa Asian Indoor Games sa 2013.

Sa pamumuno ni eight-time SEA Games gold medalist John Baylon, unang sasabak ang mga Filipino jins at judokas ngayong hapon pagkatapos ng official weigh-in sa umaga.

Gaganapin ang Judo sa Bangkok Youth Center at ang taekwondo ay sa kalapit na Indoor Stadium Huamark ng Sports Authority of Thailand.

Ang judo team ay kinabibi-langan nina Karen Ann Solomon, Luleo Panganiban, Lloyd Dennis Catipon, Danilo Crosby at Rolan Llamas habang ang taekwondo ay pangungunahan ni 2005 SEA Games gold medalist Kristie Alora, Alex Briones, Marlon Avenido, Jeff Figueroa, Camille Manalo, Karla Alava at Lizardo.

 “With a good mixture of young and experienced athletes, we’re expecting to generate medals from taekwondo and judo,” wika ni Carter. “They prepared hard for this tournament. We hope this could be a good springboard for the Laos SEA Games in December.”


ALEX BRIONES

ANG CROWN PRINCE

ASIAN INDOOR GAMES

ASIAN MARTIAL ARTS GAMES

BANGKOK YOUTH CENTER

CAMILLE MANALO

DANILO CROSBY

DAVE CARTER

GAMES

INDOOR STADIUM HUAMARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with