^

PSN Palaro

Para Sa Solo Liderato

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Sa Lunes ay magaganap ang isa sa pinakahihintay na laro sa 85th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament.

Magsasagupa ang Jose Rizal Heavy Bombers at San Sebastian Stags at nakataya sa duwelong ito ang solo liderato. Kapwa wala pa’ng talo ang dalawang teams na ito sa anim na laro. Ang isa sa kanila’y mananatiling walang bahid ng kabiguan ang record at nagsosolo sa itaas ng standings.

Ang highlight ng duwelong ito ay ang match-up sa pagitan ng dalawang beteranong sina John Marion Wilson ng JRU at Jimbo Aquino ng SSC. Kung ngayon pipiliin ang Most Valuable Player ng season, malamang na isa sa dalawang ito ang magwagi. Kasi nga’y binubuhat ng dalawang ito sa kanilang balikat ang kanilang koponan.

Sa scoring average matapos ang six games, parehong-pareho ang kanilang numero. Kapwa sila may average na 20.83 puntos kada laro. So match na match sila sa departamentong iyon.

Subalit mas nakalalamang si Wilson sa ibang aspeto. Si Wilson ay may average na 8.67 rebounds, 2.33 assists, 1.83 steals, 0.17 blocked shot at 2.17 errors sa 30.5 minuto.Sa kabilang dako, si Aquino ay mayroong tatlong rebounds, 1.83 assists, 0.67 steal, 0.67 blocked shot at 2.17 errors sa 31.67 minuto.

Ang maganda para kay Wilson ay ang pangyayaring marami siyang katuwang sa team.

Tatlong beterano ng JRU ang may average na double figures sa scoring at ito’y sina pro bound James Ryan Sena (14.33), Marvin Hayes (11.67) at Mark Cagoco (11.5). Sa panig ng SSC, tanging si Gilbert Bulawan ang may average na double figures sa scoring (10.5).

So, kung titignang maigi ay parang bahagyang llamado ang JRU sa SSC sa duwelo nila sa Lunes. Bukod dito ay mas beterano ang coach ng JRU na si Ariel Vanguardia kontra sa coach ng SSC na si Renato Agustin na humalili kay Jorge Galent bago nagsimula ang season.

Pero teka, kung titingnan naman ang mga tinalo nila sa unang anim na games, masasabing may asim ang San Sebastian Stags.

Kabilang kasi sa kanilang nabiktima ay ang three-time defending champion San Beda Red Lions, 83-77 noong July 1.

Aba’y napakalaking achievement nun para sa Stags at tiyak na sasabihin ni Agustin sa kanyang mga bata na kung nakaya nilang pataubin ang Red Lions, pusible ding masilat nila ang Heavy Bombers!

Bukod dito ay tila sumasadsad ang performance ng Heavy Bombers.

Aba’y sa huli nilang laro laban sa Mapua Cardinals ay nahirapan sila bago nakalusot, 83-78. Nilamangan pa sila ng 18 puntos ng Cardinals.

Kundi dahil kay Wilson na gumawa ng huling 11 puntos ng JRU, aba’y may dumi na sana ang record ng Heavy Bombers!

Nagkaganito man, para sa karamihan, llamado ng JRU sa SSC.

Kumbaga, defining moment ito sa nagsisimulang career ni Agustin bilang head coach.

Kapag nalampasan niya ang JRU, na siyang runner-up sa San Beda noong nakaraang season, aba’y malayo talaga ang marara-ting ng Stags sa taong ito.

AGUSTIN

ARIEL VANGUARDIA

BUKOD

GILBERT BULAWAN

HEAVY BOMBERS

JAMES RYAN SENA

JIMBO AQUINO

SAN SEBASTIAN STAGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with