EAC ihahanay ng San Beda sa kanilang mga biktima
MANILA, Philippines - Asam na makalapit sa mga lider, ihahanay ng reigning three peat titlist na San Beda sa kanilang biktima ang guest team na Emilio Aguinaldo sa nakatakdang sagupaan nito ngayon para sa pagpapatuloy ng 85th NCAA basketball tournament sa The Arena, San Juan City.
Rumatsada sa apat nitong sunod na panalo kabilang ang pagpapayukod sa karibal na Letran Knights, 79-74, pumwesto ang Lions sa ikalawang pwesto na may 5-1 baraha.
Ang panalo kontra sa mapanganib na Generals na nakalusot sa laban sa Mapua at St. Benilde upang mapaganda ang kartada.
At lumagay sa posisyon sa likod ng wala pang talong San Sebastian at Jose Rizal Bombers.
“We can’t take EAC for granted, we can’t take any team for granted,” pahayag ni Frankie Lim na matindi ang pagnanasang maiuwi ang ikaapat na sunod na titulo at makamtan ang 15th overall champion. “We will come out aggressive as we always do against other teams,” dagdag pa nito.
Matapos makapagpahinga ng 11 araw, isang koponang puno ng enerhiya ang makikita sa Arellano U upang tiklupin ang pwersa ng St. Benilde sa pang-alas dos na sagupaan.
Sa pagsisimula ng torneo, umarangkada agad ang Chiefs nang kumubra ng 2 panalo su-balit nalaglag sa 3 laban habang bumagsak naman ang Blazers sa No.5 slot matapos kuyugin ng Generals noong Lunes, 73-78, kung saan napatalsik sina Chuck Dalanon at Jan Tan para sa bench clearing na nagbigay sa kanila ng one game suspension.
Para sa Lions, kumamada ang Amerikanong si Sudan Daniel ng 18 points kasama ang 7 rebounds at 4 blocks sa labanang pinagwagian ng Letran.
Habang tinuturing na focal point ang pag-atake ni Daniel para sa San Beda, inaasahang titipa rin ng malaking kontribusyon si John Santos para bitbitin ang panalo sa kampo ng EAC.
Si Santos na nakarekober na sa kanyang dating injury na nagpabagal sa kanya ngayong season, ay may average na 20 puntos sa huling dalawang laro nang kumana ito ng anim sa kanyang pagtatangka sa tres. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending