Barako Bull may team pa sa susunod na season
MANILA, Philippines - Siniguro ni Barako Bull owner George Chua sa PBA board of governors sa kanyang sulat na ipinadala na patuloy na lalahok ang kanyang team sa pro league.
“We’re here to stay,” ani Tony Chua, kumakatawan sa Barako Bull sa board meeting na ginanap sa PBA office sa Libis, Quezon City.
Nakipag-ugnayan si PBA commissioner Sony Barrios sa Barako Bull makaraang magreklamo si John Arigo sa huling pagbabayad ng suweldo.
“Utang is utang. We’ll take care of that. We’re just encountering some problems since we’re on a transition period,” ani Tony Chua.
“We’re building a new team. We will spring a surprise,” dagdag pa niya.
Sa nasabi ring meeting, nagkasundo ang league board na magdaos ng planning session para sa nalalapit na torneo sa Tianjin, China na gaganapin sa Agosto 7-11.
Kinumpirma ng lahat ng governors ang kanilang pagdalo at pagsupota sa kampan-ya ng Powerade Team Pilipinas sa 2009 FIBA-Asia championship.
Si Lito Alvarez ng Burger King, na papalit kay Joaqui Trillo sa board chairmanship, ang mamamahala ng tianjin meeting.
Ilalahad din ng board ang kanilang mga mithiin sa nasabing miting.
Umaasa si Barrios ang mga governors ng isa pang matagumoay na season kasunod ng katatapos na kumperensiya kung saan naabot nila ang target sa marketing at gate receipts. (Nelson Beltran)
- Latest
- Trending