MANILA, Philippines - Huli man daw at maga-ling, bayani pa ring maituturing.
Pinatunayan ito ng Jose Rizal University nang sumandal ang Bombers sa huling kabayanihan ni John Wilson nang bumangon ito mula sa 18 puntos na pagkakabaon tungo sa 83-78 na tagumpay laban sa Mapua at muling ma-kisosyo sa liderato sa San Sebastian College sa pagpapatuloy ng 85th edisyon ng NCAA sa The Arena sa San Juan City.
Nagpakawala ng 14 puntos mula sa kanyang game-high na 25 puntos si Wilson sa ikaapat na yugto kabilang na ang 11 sunod sa loob lamang ng ilang minuto upang maligtasan ng Bombers ang banta ng Cardinals.
At handog din nila ang panalong ito sa kanilang dating team captain na si Jayson Nocom na namatay sa isang aksidente noong madaling araw ng Lunes.
“This is for Jayson Nocom, our leader and protector. We will dedicate all our remaining games for his,” naiiyak na wika ni Jose Rizal coach Ariel Vanguardia.
Samantala sa juniors’ action, nagpasiklab si Louise Vigil ng 44 points nang banderahan ang Jose Rizal Light Bombers sa 114-63 kontra sa Mapua Red Robins at dinurog naman ng
Letran Squaires ang AUF, 121-47.
Sa kaugnay na balita, matapos isuspinde ang limang players at balaan ang ilang coaches, ang mga reperi namang nag-officiate sa laro ng EAC at St. Benilde ang pinatalsik ng NCAA.
Kinumpirma nina Frank Gusi ng San Sebastian at acting Management chairman at league commissioner Aric Del Rosario ang pagpaparusa kina John Estrada, Zaldy Sagum at Ric Santos na nagreperi sa laban ng General at Blazers na sangkot sa bench clearing accident.
Sa tatlo, si Santo ang may pinakamabigat na parusa dahil pinagbawalan na itong tumawag sa buong season habang indefinite suspension naman ang sa dalawa pa.
Sa ikalawang seniors game, nanaig pa rin ang kulang sa tao na Letran laban sa AUF, 94-64. (Sarie Nerine Francisco)