MANILA, Philippines - May limamput isang aspirante ang umaasang makuha sa PBA Annual Draft sa Linggo ang nagpakita sa Club 650 para sa unang araw ng three-day event sa PBA Rookie Camp ngunit hindi kasama dito si Japeth Aguilar.
Ang inaasahang maging top pick na si Japeth Aguilar ay hindi nasilayan dahil kailangan nitong magpractice sa Powerade Team Pilipinas na tutungo sa Tianjin, China para sumabak sa 25th FIBA Asia Men’s Basketball Championship na siyang qualifying tournament para sa 16th FIBA World Championships sa Istanbul, Turkey sa susunod na taon.
Ang Burger King ang may ari ng No. 1 pick overall
Si PBA supervisor official Ramil Cruz, na siyang camp director ang nangasiwa ng apat na sessions para sa sessions strength at agility tests.
Si PBL MVP Chris Ross ang gumawa ng pinakamaraming pull-ups na 29, si Kevin White ang may pinakamara-ming push-up na 129, at ang ‘di kilalang si Emmanuel Malasig ang may pinakamaraming bench press na 48 habang si Jorel Canisarez ang may pinakamataas na highest vertical leap na 11.11 meters.
Hindi rin sumipot si Marlon Adolfo.
Bukod kay Aguilar, kasama din sa nais maging pro ang mga Most Valuable Player (MVP) awardees, Finals MVP na susi sa tatlong sunod na NCAA men’s basketball championship ng San Beda, isang center na susi sa tagumpay ng La Salle sa UAAP championship dalawang taon na ang nakakaraan, kapatid ng Alaska big man na si Reynel Hugnatan at ilang Fil-Am cagers kabilang ang pamangkin ni Talk `N Text guard Jimmy Alapag.
Ang mga rookie applicants ay hinati sa apat na teams at maglalaban-laban sa two-day, four-game schedule sa Caruncho gym sa Pasig City sa July 30 at 31.
Magpapahinga ang camp ngayon para bigyang daan ang coaching clinic ni Miami Heat head coach Erik Spoelstra sa Ynares Sports Arena sa Pasig simula alas-2:00 ng hapon. (Mae Balbuena)