^

PSN Palaro

San Sebastian matatag sa unahan

-

MANILA, Philippines - Katatagan sa unahan ang pakay ng San Sebastian College at magaan ni-lang nakamit ito nang igupo nila ang Angeles U Foundation, 97-65 para sa malinis na baraha at katatagan sa liderato sa pagpapatuloy ng 85th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nag-init ang mga kamay, nagpasabog ng 21 puntos si Jimbo Aquino nang kumana ito ng 8 puntos sa 13 tira bukod pa sa suporta nina Pamboy Raymundo, Gilbert Bulawan, Ian Sangalang at Dave Najorda na nag-ambag ng 16, 14, 12 at 10 puntos para bitbitin ang Stags sa kanilang ikaanim na sunod panalo.

Nalaglag naman sa dulo ang Great Danes bunga ng kanilang ikalimang kabi-guan at nag-iisang panalo kasama ang walang laro na Perpetual Help.

Isang pamatay na 37-7 salvo sa unang bahagi ng laro ang kinailangan ng Stags upang tuluyang isara ang lahat ng pinto para sa Great Danes, na napag-iwanan ng pinakamala-king 53 puntos na bentahe, 72-29 sa ikatlong yugto ng laro.

Samantala, lakas sa freethrows at offensive rebound ang naging sandata ng Emilio Aguinaldo College nang gulantangin nila ang kulang sa tao na College of St. Benilde, 78-73.

Sa juniors   division, pina-yuko ng St. Benilde Junior Blazers ang EAC, 85-67 habang binugbog naman ng junior titlist Staglets ang AUF, 113-23. (Sarie Nerine Francisco)


ANGELES U FOUNDATION

COLLEGE OF ST. BENILDE

DAVE NAJORDA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

GILBERT BULAWAN

GREAT DANES

IAN SANGALANG

JIMBO AQUINO

PAMBOY RAYMUNDO

PERPETUAL HELP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with