MANILA, Philippines - Naunahan ni Reynaldo Pascua si Rabin Dalog sa kalagitnaan ng karera upang mapagwagian ang Laoag Leg ng 33rd National Milo Marathon na nagtapos sa loob ng President Ferdinand Marcos Sports Stadium dito.
Bagamat nararamdaman ang leg cramps sa pag-liko sa malapit sa ancestral home ni Marcos, hinabol at inabot ni Pascua si Dalog para tumawid sa finish line na may oras na 1:15.54 at tiket sa finals sa October sa Manila.
Pumangalawa si Dalog at ikatlo naman si Randy Basilio.
Napagwagian naman ni Vilma Butac ang kababaihan sa inirehistrong 1:58, ngunit kapos para makapasok sa qualifying mark sa ka-rerang inorganisa ng Ilocos Norte Sports Development Council na pinamumunuan ni Gov. Michael M. Keon at ginaganap sa pakikipagtambalan ng Bayview Park Manila at ng Department of Tourism.