MANILA, Philippines - Pinaplantsa na ang kaunaunahang Quezon City International Marathon (QCIM), na itinaon sa Linggo ng ika-70 taong anibersaryong pagkakatatag ng Lungsod sa Oktubre 18, 2009.
Pangungunahan ni Mayor Feliciano “Sonny” Belmonte ang pagsusulong ng kaunaunahang pang-internasyonal na 42.195-kilometrong lakbayin sa Lungsod, na isa sa Top 10 Asian Cities of the Future base sa Financial Times Magazine ng United Kingdom at AsiaBIZ Strategy Ltd. ng Singapore.
Bukod sa tampok na full marathon, may side event itong 21, 10 at limang kilometrong ruta, na magsisimula at magtatapos sa pamosong Quezon Memorial Circle People’s Park ng pinakamalaking rotunda ng bansang Elliptical Road.
Para sa iba pang impormasyon, tawagan ang mga teleponong may bilang na 920-4206, 742-0283 o 742-3091 (telefax) o mag-log on sa www.runnex.org o finishline.ph.