Ateneo at UP belles pasok sa semis

PUROK Marcela, Lingayen , Philippines  — Umusad ang tambalan nina Asia Urquico at Sharah So ng Ateneo gayundin ang pares nina Amanda Christine Isada at Lorraine Chua ng University of the Philippines matapos umiskor ng magkahiwalay na panalo sa semifinals ng ikatlong leg ng 2009 Petron Ladies’ Beach Volleyball Tournament kahapon sa beach front ng Purok Marcela Resort dito.

Makakalaban nila ang dalawang powerhouse teams mula sa De La Salle University-Dasmariñas, na naging magaan ang panalo laban sa kanilang mga ka-grupo.

Tinalo ng 19-anyos na si Urquico at So sina UP bets Luechel Tiu at Ana Maria del Mundo, 21-13, para sa ikatlong panalo sa apat na laro para sa slot sa semifinal round ng two-day event na suportado ng Petron, Speedo at Mikasa, sa tulong ng Pagcor, Coca Cola, Victory Liner, Tanduay Rhum, Orica Phils., Inc. Dragon Fireworks, Inc. Mandarin Chemicals, Trust Trade Inc. at Izumo Builders, Inc.

Makakalaban ng Ateneo bets para sa championship berth ang La Salle-Dasma team nina Regina Tungol at Wensh Tiu, na naka-sweep ng kanilang apat na laro sa Group B.

Nakaiwas naman ang duo ng UP na sina Isada at Chua sa kumplikadong pakikipagtabla sa tandem ng Philippine School of Business Administration na sina Dyrene Rose Benecio at Jamaica Lauzon sa kani-lang 21-17 panalo sa La Salle-Dasmariñas team nina Hidemi Miyata at Nina Lopez para magtapos sa elims sa kartang 3-1.

Ang UP tandem ay sasabak sa semifinals laban sa La Salle-Dasma duo nina 5’8” April Almaden at Jennifer Manzano, na komopo ng unang semis seat matapos ang five-game sweep.

Ang mga laro na sinuportahan ng Philippine National Police, Gen. Leopoldo Bataoil, Director for Police Operations ( Northern Luzon ), at ni deputy. General Francisco Manalo Jr., kasama si Lingayen councilor Ramon Bataoil.

Ang mga Powerful serves mula kina Urquico at So ay malaking tulong sa Lady Eagles para makakawala sa 9-all deadlock at kunin ang 14-9 spread.

Ang champion at runner-up ng Petron volley third leg ay awtomatikong papasok sa Battle of the Champions sa pagtatapos ng season sa Puerto Princesa, Palawan.


Show comments