MANILA, Philippines - Para maging magka-ribal sa ikalawang pwesto, kapwa kinasa ng Far Eastern University at Sto.Tomas ang panalo sa magkahiwalay na eng-kwentro kahapon upang sundan sa tuktok ang na-ngungunang reigning titlist na Ateneo sa 72nd UAAP basketball tournament sa PhilSports Arena.
Ginupo ng Tamaraws ang National U Bulldogs, 82-57 habang sinakmal naman ng UST Tigers ang University of the East Warriors, 92-88 upang umabante sa No. 2 slot na mayroong 3-1 kartada.
Magbuhat noong Final Four 2006 na natapos sa dikit na 82-81 bentahe, dito muling nanaig ang pwersa ng Tigers kontra Red Warriors. Sa nasabing taon rin nakamtan ng Tigers ang kampeonato nang payukurin ang Ateneo sa finals.
“It’s a good feeling we finally won against them after a long while,” pahayag ni UST coach Pido Jarencio na minsan nang naggiya para sa korona sa UAAP ng Tigers.
Pinatingkad ang kapasidad na pamunuan ang tropa, namanipula ni Smart Gilas Pilipinas standout Dylan Ababou ang final quarter kung saan kumana ito ng 11 mula sa kanyang game high na 28 puntos para isiguro ang panalo ng España based squad.
Para sa panalo, humugot rin ng 20 puntos si Khasim Mirza para suportahan ang koponan na dinagdagan pa ng 12 points at 14 rebounds ng sophomore na si Chris Camus.
Pinangalagaan ang kalidad ng laro nina Smart Gilas Pilipinas mainstays, JR Cawaling at Aldrech Ramos, nagpormula si FEU coach Glenn Capacio “I know NU is smaller and quicker so I started players who can match their quickness,” wika ni Capacio.
Dahil dito, naging kagila-gilalas ang laro ni Cawaling na gumawa ng 6 mula sa 7 shots na mula sa bench.
Samantala, ito ang ikatlong kabiguang natamo ng Bulldogs makaraang ma-patalsik ng State U Maroons sa opening match.
Tulad nang nakagawian, sumandal ang UST sa troika nina Ababou, Mirza at Camus na kinontrol ang buong laban pabor sa Tigers.
Kuminang si Ababou sa pamamagiatn ng kanyang 11 points sa huling 4 na minuto ng laro, kabilang ang three point play na tumapos sa bakbakan. (Sarie Nerine Francisco)
FEU 82 - Garcia 20, Cawaling 14, Barroca 13, Noundou 10, Ramos 8, Sanga 6, Pereabras 2, Manalo 2, Exciminiano 2, Cervantes 2, Tanuan 1, Vinluan 0, Knuttel 0, Guerrero 0, Caluag 0.
NU 57- Hermosisima 15, Singh 13, Cabaluna 7, Baloran 7, Ponferrada 5, Batac 4, Roy 3, Terso 2, Malanday 1, Luy 0, Donahue 0.
Quarterscores: 22-12; 42-25; 61-43; 82-57
UST 92 - Ababou 28, Mirza 20, Camus 12, Teng 11, Maliksi 11, Bautista 7, Fortuna 2, Afuang 1, Mariano 0, Green 0, Aytona 0.
UE 88 - Llagas 17, Zamar 16, Acuna 12, Lingganay 9, Espiritu 8, Ayala 7, Reyes 6, Lee 6, Duran 4, Bandaying 3, Sumido 0, Alabanza 0.
Quarterscores: 24-24; 47-36; 65-71; 92-88.