6 Pinoy riders puntang Malaysia at Indonesia
MANILA, Philippines - Isang 6-man cycling team na suportado ng Liquefied Petroleum Gas Markers Association ang aalis ngayon para kumatawan ng national squad sa dalawang international races sa Malaysia at Indonesia.
Pangungunahan ni Lloyd Reynante ang koponan na kinabibilangan din nina Cris Joven, Lloyd Berjamie, Romel Hualda, Glenmar Robosa, Jeff Monton sa Perlis Open sa July 28-30 sa Alor Setar, Malaysia malapit sa border ng Thailand.
Sinabi ni coach Renato Dolosa na ang LPGMA-RP team riders na suportado ng Liquigas at American Vinyl ay didiretso sa Tour de East Java sa Indonesia matapos ang isang linggo sa isa namang tatlong araw ng karera sa Aug. 8-10.
Sinabi ni LPGMA president Arnel Ty na ang partisipasyon ng kanilang team sa dalawang international races ay may sanction ng PhilCycling sa pangungu-na ng kanilang presidenteng si Tagaytay mayor Bambol Tolentino at kinilala rin ng Union Cycliste Internationale (UCI).
“We want to help our riders sustain their competitive fire by sending them to a couple of high-caliber races sa Southeast Asia,” ani Ty ng tumulong sa pag-organisa ng Liquigas-LPGMA Tour of Luzon noong Abril.
Ang Perlis Open, three stage race-590-km massed start competition ay 2.2-level race na inihanay ng UCI sa Tour de East Java.
Makakalaban ng mga Pinoy riders ang mahuhusay na siklista mula sa Asya sa Perlis at East Java na nag-imbita ng mga European riders.
Sabi ni Dolosa na ngayon ay manager na ng Tour of Luzon Bike shop and Café matapos ang kanyang matagumpay na career, nagsanay ng husto ang mga riders para mamintina ang kanilang stamina kahit tapos na ang Liquigas-LPGMA Tour of Luzon at Padyak Pinoy noong summer.
Ibinunyag ni Ty na ang dalawang international races ay bahagi ng plano ng LPGMA at Liquigas na humubog ng Filipino rider na kakatawan ng bansa sa prestihiyosong Tour de France.
- Latest
- Trending