^

PSN Palaro

3rd win asam ng FEU, UE at UST

-

MANILA, Philippines - Ang palawigin ang panalo sa tatlong sunod ang puntirya ng Far Eastern U sa kanilang pakikipagtipan sa National University habang maghihiwalay naman ang University of the East at University of Santo Tomas sa kanilang pagtatagpo sa 72nd UAAP basketball tournament sa PhilSports Arena.

Bitbit ang 2-1 baraha, magkakasama sa No. 2 posis-yon ng pangkalahatang katayuan ang Tamaraws, Tigers at Warriors at ang panalo ng bawat isa ay maglalapit sa kanila sa Ateneo Blue Eagles na nasa tuktok sa malinis nilang 3-0 marka.

Inaasahan ng marami na magiging madali ang laban ng FEU na paboritong magwawagi laban sa Bulldogs, na natalo ng dalawa sa tatlong unang laban sa kanilang pagtatagpo sa alas-dos ng hapon.

Ngunit kung ang magiging batayan ay ang panalo ng Tamaraws sa Adamson Falcons, 63-60 noong Huwebes, inaasahang magiging mahirap na naman ang kanilang laban sa Bulldogs.

“We’re executing poorly in offense, we couldn’t hit uncontested, close-range shots and our free throws,” wika ni Capacio. “If we keep on playing like that, it would really be harder to win.”

Inaasahan namang magiging mahigpit at kapana-panabik ang pang-alas-4 ng hapon na sagupaan ng Uste at UE na kilala sa kanilang run-and-gun na istilo ng laro.

“They have a veteran coach, I’m just rookie that’s their advantage. I’m also sure they will prepare well against our attack,” ani UE mentor Lawrence Chongson.

Muling sasandalan ng Warriors ang troika nina Paul Lee, Val Acuna at Pari Llagas habang huhugot naman ng lakas ang Tigers kay Smart Gilas Pilipinas standout Dylan Ababou at ang kamador na si Khasim Mirza.

Sa kabilang dako, aasa si Capacio sa kanyang mga beterano ng Smart Gilas Pilipinas na sina Mark Barroca, Aldrech Ramos at JR Cawaling. (SNFrancisco)

ADAMSON FALCONS

ALDRECH RAMOS

ATENEO BLUE EAGLES

CAPACIO

DYLAN ABABOU

FAR EASTERN U

INAASAHAN

KHASIM MIRZA

LAWRENCE CHONGSON

SMART GILAS PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with