SASKATOON, Canada – Muling nakabalik sa kontensiyon ang Philippines nang igupo nila ang Botswana, 7-5, para sa isang puwesto sa quarterfinals round ng 2009 World Men’s Softball Championship dito.
Ang Blu Boys na nakakuha lamang ng anim na hits sa dalawang Botswanian pitchers ay sinamantala ang apat na kamalian ng South Africans, dalawa sa itaas ng ikaapat na inning na siyang marginal runs patungo sa kanilang panalo.
Bunga ng panalong ito, nakawala ang Blu Boys sa two-way tie sa ikalimang puwesto kasama ang Denmark sa Pool A, at ang isa sa tatlong senaryo na maaaring mangyari ay makapuwesto sila sa Final 8 na mas mataas sa 10th place na tinapos nila sa quadrennial tournament na ito na ginanap sa Christchurch, New Zealand.