MANILA, Philippines - May pagkakataong makaganti si dating world no.1 Dennis Orcollo kay Taiwanese ace Yang Ching-shun sa kanilang paghaharap sa challenge match na tinaguriang Face Off Series 2-One More Time slated sa September 8 sa Club Capo sa Tomas Morato, Quezon City .
Noong 2007, nagharap sina Orcollo at Yang, kilalang mga Money Game king sa race-to-60 marathon match sa Gateway Mall sa Quezon City kung saan ang bisitang former Asian Games gold medalist ang nanalo.
Naghamon si Orcollo ng rematch at agad itong tinanggap ni Yang.
Sa pagkakataong ito, maghaharap sila sa race-to-50, 10-ball match na inorganisa ng Club Capo, na ipapalabas ng live sa Solar Sports at live sa www.jbet.net.
Nakataya ang $10,000 top purses sa Orcollo-Yang rematch na simula lamang ng series ng challenge matches na pinaplano ng Club Capo.
Ang exclusive membership club ay may planong paglabanin ang walo pang world-class cue artists sa bawat taon.
Isusunod ng Club ang sagupaan nina Francisco “Django” Bustamante at American Rodney Morris at nina Lee Van Corteza at Shane van Boening sa November.
Ang iba pang tinitingnang rematches ay sa pagitan nina 2007 World Pool Championship finalists Roberto Gomez at Darryl Peach ng England; Ronnie Alcano kontra sa kapwa former world champion Wu Chia-ching ng Singapore; scotch doubles match sa pagitan ng tandem nina Efren “Bata” Reyes at Bustamante laban sa duo nina Orcollo at Alcano, at ang pares nina Bustamante at Gomez kontra kina Johnny Archer at Van Boening, at ang Alcano-Johann Chua duo kontra kina Yang-Ko Pin-yi; at sa pagitan nina Reyes at Archer.
Ang series ay suportado ng Billiards and Snooker Congress of the Philippines , Billiards Managers and Players Association of the Philippines at Bugsy Promotions. (Mae Balbuena)