Pacquiao-Cotto fight magiging star-studded

MANILA, Philippines - Ngayon pa lamang ay inaasahan nang magiging star-studded ang megafight nina Filipino boxing superstar Manny Pacquiao at Puerto Rican world welterweight champion Miguel Angel Cotto.

Maliban kay NBA superstar Kobe Bryant ng Los Angeles Lakers, nagpapareserba na rin ng tiket si baseball star Derek Jeter ng New York Yankees.

"We are getting so many calls from sports and entertainment stars," sambit kahapon ni Bob Arum ng Top Rank Promotions. "This is going to be a premier sports event."

Itinakda ni Arum ang laban nina Pacquiao at Cotto sa Nobyembre 14 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Kamakalawa ay kinumpirma na rin ni Bryant ang personal niyang panonood sa laban ng 30-anyos na si Pacquiao at ng 28-anyos na si Cotto sa kanyang pagdalaw sa bansa bilang bahagi ng Nike Asian Tour 2009.

"I enjoy being around people who are just as competitive, who have the same passion and work ethic," wika ni Bryant, iginiya ang Lakers sa paghahari sa 2009 NBA Finals kontra Orlando Magic. "If I don't have a game that night I'll be there."

Dinadala ni Pacquiao, ang bagong International Boxing Organization (IBO) ligth welterweight king, ang 49-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 37 KOs, habang may 34-1-0 (27 KOs) slate si Cotto.  

Maliban kina Bryant at Jeter, susugod rin ang koponan ng New York Giants ng National Football League (NFL) sa Pacquiao-Cotto fight.

Isa naman sa masugid na tagahanga ni Cotto, ang kasalukuyang World Boxing Organizaon (WBO) welterweight titlist, ay si Carlos Beltran ng New York Mets.

Ang mga tiket na nagkakahalaga ng $1,000, $750. (Russell Cadayona)

Show comments