Lopez nanguna sa ikalawang tryout
TANAY, Rizal, Philippines – Naungusan ni Benito Lopez Jr. ang mga mas batang kalaban upang mapagwagian ang ikalawang yugto ng National Open tryouts at isiguro ang sarili ng slot sa Philippine cycling training pool noong Linggo dito.
Humatak ng inspirasyon mula sa kanyang dalawang anak na babae--ang 14 anyos na si Aizel Mica at 12 anyos na si Anlene--magiting na solong kumawala sa huling 20 kilometro ng dalawang round na karera sa bulubunduking lugar ng Jala-Jala at Sierra Madre at makalayo sa mga mahigpit niyang kalaban para mapagwagian ang karerang inorganisa ng Integrated Cycling Fedration of the Philippines (ICFP).
Ang kanyang panalo ay kasunod lamang ng kanyang impresibong runner-up place sa unang yugto ng tryouts na idinesenyo para sa pagpili ng pinakamahuhusay na riders para sa Laos SEA Games sa Disyembre.
Ipinabatid ni PhilCycling president Mikee Romero na ang huling yugto ng Sunday-only tryouts ay individual time trial sa paanan ng Patindig-Araw patungo sa Boso-boso sa Antipolo.
Pumangalawa naman si Jay Tolentino sa170-kilometer race na nagsimula sa bayan ng Pililia. Ikatlo naman si Billy Biag.
- Latest
- Trending