^

PSN Palaro

Philippines diniskaril ng New Zealand

-

SASKATOON, Canada -- Napigil ang pananalasa ng Philippines nang yumuko ang Blu Boys sa powerhouse defending champion New Zealand, 8-1 sa regulations five innings na kanilang kauna-unahang kabiguan sa tatlong laro sa XII World Men’s Softball Championship sa Bob Van Impe Stadium dito.

Gayunpaman, napigil naman ng Blu Boys ang record ng three-time defending champion na pambobokya sa kalaban tulad ng 15-0 panalo laban sa US sa limang innings at 14-0 sa Great Britain sa apat na innings.

At salamat sa third baseman na si Apol Rosales na nagpa-kawala ng three-base hit sa ilalim ng unang inning na sumorpresa sa winning pitcher na si Shaanon Heinie.

Si Rosales, beterano ng dalawang world championships at ilang Southeast Asian Games at Asian Games at lead off man sa batting order na mga Pinoy ang pumigil sa breaking ball ni Heinie na nagdala sa right-center field upang makatuntong ng nakatayo sa ikatlong base.

Kabado sa pagsuko ng koponan sa unang hit sa 16-man field, natawagan ng illegal pitch si Heinie kay rightfielder Orlando Binarao sa plate nagbigay daan kay Rosales na makatakbo.

Si Binarao, mentor ng Adamson University sa UAAP ay bumalik sa ikaapat at natag si Heinie sa double, ngunit nabigo ang Blu Boys na ang biyahe ay naging posible sa tulong ng Cebuana Lhuillier, Pera Padala, Le Soleil de Boracay, Phiten at Philippine Sports Commission na maiuwi sa run.

Susunod namang makakaharap ng Pinoy ang mapanganib na Amerikano ngayon at uma-asang makakabangon mula sa kabiguan sa Kiwis.


ADAMSON UNIVERSITY

APOL ROSALES

ASIAN GAMES

BLU BOYS

BOB VAN IMPE STADIUM

CEBUANA LHUILLIER

GREAT BRITAIN

LE SOLEIL

NEW ZEALAND

ORLANDO BINARAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with