MCC 1850 below chess tourney susulong

MANILA, Philippines - Susulong ngayong alas-9:30 ng umaga ang one-day event ng MCC 1850 below standard chess tournament sa lower 2F ng St. Francis Square na matatagpuan sa likuran ng SM Megamall sa Mandaluyong City.

Bukas sa mga unrated, amateurs, beginners at rated players na may NCFP ratings na hindi lalagpas sa 1850, ang one-day tournament ay gagamit ng 20 minutes time control sa unang tatlong rounds at 90 minutes sa huling dalawang laro.

Ito ay magbibigay ng pangunahing premyo na P3,000 para sa champion. May cash prizes din na hinati para sa limang puwesto. Mabibiyayaan din ng special awards ang mga top unrated, unrated, kiddies (12-under) at juniors (16-under).

Inaatasan ang mga interesadong partido na magparehistro bago magsimula ang laro. Para sa ilang detalye, tumawag sa 994-5199 at 0916-852-1069.

Show comments