Powerade Team RP vs Jordan
TAIPEI –Bubuksan ng Powerade-Team Pilipinas ang kanilang kampanya sa 31st William Jones Cup tournament ngayon kontra sa Jordan ang sumira sa pangarap ng bansa na makabalik sa Olympics dalawang taon na ang nakakaraan.
Alas-5:00 ng hapon ang laban sa Hsinchuang Gymnasium pagkatapos ng opening matches sa pagitan ng Lebanon at Taiwan-B sa ala-una at South Korea kontra Kazakhstan sa alas-tres.
Magkakaroon ng 30-minutong inaugural cere-mony sa alas-7:00 ng gabi.
Sa pangunguna ni point guard Rasheim Wright, na tumapos ng 24 points, nang wakasan ng mga Jordanian ang pangarap ng Philippines’ na makapasok sa 2008 Beijing Olympics matapos ang 84-76 panalo sa preliminary round ng 24th FIBA Asia Men’s Championship sa Tokushima, Japan.
Bagamat ang Jones Cup, na ginaganap bilang pagkilala sa founding secretary-general ng International Basketball Federation (FIBA) na si Williams Jones, ay tune-up tournament lamang para sa bigating FIBA Asia World Championship qualifier sa Tianjin, China sa susunod na buwan, may pagkakataon ang mga teams na sukatin ang kanilang mga kalaban.
Importante ang laban ng RP Team sa Jordan sa opener.
Ayon kay PBA commissioner Renauld ‘Sonny’ Barrios, head ng RP delegation, ang Jordan game ay “the real test against a strong opponent.”
Nakatulong ni Wright si 6-foot-8 Islam Abbaas, na humatak ng nine rebounds kontra sa Philippines, at 6-foot-6 Enver Soobzokov at 6-foot-5 Sam Daghlas, na parehong may five assists.
Ang Jordan ay may dalawang 7-footers na si Jamal Ma’aytah at Ayman Udais at ang 6-foot-10 center na si Zaid Al-Khas.
Pinangunahan ni Asi Taulava ang Team RP, na umabante sa first quarter, sa kanyang 14 points, habang si point guard Jayjay Helterbrand ay may five assists.
Si Helterbrand, na may pulled hamstring, ay nagsabing lalaro ito.
“If I’m there, I don’t wanna just watch,” ani Helterbrand, na di nakalaro sa 8th SEABA Men’s Championship sa Medan, Indonesia noong April. “I wanna really try help those guys out. If I’m capable, I wanna play. If it hurts or not, it doesn’t matter, I’ll still play.” (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending