Santiago City, Butuan City leg sabay

MANILA, Philippines – Sabay na magho-host ang mga lungsod ng Santiago at Butuan sa 33rd National Milo Marathon elimination races sa Linggo na gaganapin sa pakikipagtulungan ng Bayview Park Manila at Department of Tourism.

May kabuuang 5,000 runners ang sasali sa Santiago na inorganisa ni Tess Bernardino at 6,000 participants naman sa Butuan na inorganisa naman ni Leonardo Yu, at ng local distributor ng Nestle at ni Ben Dacera.

May apat na age categories-- 3k, 5k, 10k at 21k kung saan ang champion sa men at women division ay tatanggap ng P10,000 bukod sa trip ticket sa finals sa October sa Manila.

Si Santiago Mayor Amelita Navarro ang magsasagawa ng ceremonial fire-off kasama si MILO Sports Events  Lester Castillo at iba pang local officials.

Sa Butuan City, si Congressman Jose “Joeboy” S. Aquino ang magpapaputok ng ceremonial fire-off sa alas-5:30 ng umaga habang sina Gen.  Jaime E. Milla, Vice Mayor Dino M. Sanchez, at councilor Randulf B. Plaza ang magsasagawa naman sa 10K, 5K, at 3K runners ayon sa pagkakasunod sa ala-6:00 ng umaga.

Ang qualifying time sa kalalakihan ay 1:15 at 1:35 sa women sa 26-leg nationwide elimination para mas gumanda ang laban. Ang finals ay sa October kung saan ang men at women champions ay tatanggap ng P75,000 at glass trophies.

Ang lahat ng runners na aabot sa qualifying mark ay awtomatikong papasok sa final di gaya ng dati ng top-three lamang ng bawat divisions ang kinukuha na ngayon lamang ginawa ng mga organizers.

Pinangunahan ni Abraham Barcarse Jr. ang men’s side at si Anna Vargas naman sa distaff side sa Tarlac habang si Joselito Dugos at Judelyn Miranda ang mga nanalo sa Davao noong Linggo.


Show comments