Ateneo, UST sosyo sa unahan

MANILA, Philippines – Bumuwelta, iniahon ng defending champion Ateneo ang koponan mula sa pagkakalugmok ng 17 puntos sa first quarter upang patunayan ang kakayahan kontra University of the East sa pamamagitan ng 72-57 tagumpay sa UAAP seniors basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.

Para masikwat ang ikalawang sunod na panalo, pinangunahan ni reigning MVP Rabeh Al Hussaini ang pag-arangkada ng grupo nang magpakawala ito ng 27 puntos, 11 rebounds at 3 assists habang naging malaking tulong rin ang 10 puntos at 8 boards na kontribusyon ni Nonoy Baclao.

Bagamat naging mainit ang ipinamalas na performance ng Red Warriors, hindi pa rin tumiklop ang opensa at depensa ng Blue Eagles para mahabol ang pagratsada ng kalaban.

Samantala, sa naunang laban, nagbulsa ng career high 30 points si Dylan Aba bou sa unang talong periods para suportahan ang University of Santo Tomas na itaguyod ang kampanya nito sa pamamagitan ng pagsupil sa National University, 104-89.

“Nag-step up si Dylan (Ababou). Bumawi lang `yung bata dahil hindi maganda ang opening game niya laban sa Adamson. Medyo nawala `yung first game jitters kahit na beterano at last year niya sa team,” wika ni Growling Tigers coach Pido Jarencio. (Sarie Nerine Francisco)


Show comments