MANILA, Philippines – Isa na namang karangalan ang naidagdag ni Manny Pacquiao sa kanyang koleksiyon nang mapagwagian nito ang titulong “Best Fighter’ sa 2009 Excellence in Sports Performance Yearly awards o ESPY.
Ang naturang karangalan ay isa sa iginagawad ng pamosong American cable TV network na ESPN para bigyan ng karangalan ang mga natatanging atleta sa pangunahing sports.
Ang tubong-GenSan na si Pacquiao ang kinokonsi-derang best pound-for-pound boxer sa buong mundo,at naungusan sina MMA (mixed martial arts) stars Lyoto Machida at Anderson Silva at kapwa boxer na si Sugar Shane Mosley para sa prestihiyosong parangal.
Napatango ng 30 anyos na si Pacquiao ang mga online voters ng ESPN para sa kanyang sensation na pagpapabagsak kay dating IBO light-welterweight champion Ricky Hatton noong Mayo, at demolisyon kay Oscar dela Hoya noong nakaraang Disyembre.
Ninomina naman si Machida dahil sa kanyang knockout na tagumpay sa dating walang talo na si Rashad Evans, para sa light-heavyweight title sa UFC98; si Silva naman sa panalo kina Patrick Cote, Thales Leites tJames Irwin; at Mosley dahil sa kanyang nakakagulat na TKO na panalo kay Mexican Antonio Margarito.
Ang impresibong knockout ni Pacquiao din ay nakasama sa listahan ng “best Play” award ngunit natalo kina Ben Roethlisberger atSantonio Holmes sa last-mi-nute touchdown sa panalo ng Pittsburgh Steelers’ sa Super Bowl XLIII kontra sa Arizona.
Bunga nito, nakasama si Pacquiao sa elite lineup ng ESPY sa mga de kalibreng atletang nagwagi ng parangal na kinabibilangan nina Michael Phelps (Best Male Athlete at Best Record Breaking Performance); LA Lakers (Best Team); Lorena Ochoa (Best International Female Athlete and Best Female Golfer); Usain Bolt (Best International Male Athlete); LeBron James (Best NBA Player); at palagiang winner na si Tiger Woods (Best Golfer).