Timbang hindi isyu para di matuloy ang Pacquiao-Cotto fight
MANILA, Philippines - Hindi magiging sagabal ang isyu sa timbang para sa inaabangang megafight nina Filipino boxing superstar Manny Pacquiao at Puerto Rican world welterweight king Miguel Angel Cotto.
Sa panayam ng FightHype.com kahapon, sinabi ni Top Rank Promotions' publicist Lee Samuels na hindi makakaapekto sa banggaan nina Pacquiao at Cotto ang usapin sa kung anong timbang maglalaban ang dalawa.
"A pound or two will not stop this fight. We will be able to take things out," wika ni Samuels sa upakan ng 30-anyos na si Pacquiao at ng 28-anyos na si Cotto sa Nobyembre 14 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang magiging catchweight ng naturang laban nina Pacquiao at Cotto.
"This is the money fight for Pacquiao and Cotto and the things that we are having right now like stalled negotiations is just normal," dagdag ni Samuels.
Gusto ni Pacquiao na labanan si Cotto, ang kasaluku-yang World Boxing Organization (WBO) welterweight king, mula 143 hanggang 144 pounds. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending