Custodio, nagpagulong ng perfect game

MANILA, Philippines – Gumawa ng ingay ang beteranong campaigner na si Gary Custodio sa 2009 Bowling World Cup first center finals nang magpagulong ito ng perfect game tungo sa 12 game series na 2,880 pinfalls sa Bowling Inn.

Ang produksiyon ni Custodio ay madaling tumulong sa kanya sa pagsulong sa national finals kasama ang mga bigatin na pinamumunuan ni six-time world champion Paeng Nepomuceno at Liza del Rosario at ng iba pang aspirante.

Nagpagulong si Nepomuceno, ang tanging winner ng apat na World Cup titles, ng 12 game series na 2,570 pinfalls sa Paeng’s Eastwood, habang si Del Rosario naman ay nagtala ng 10-game series na 1,899 sa Paeng’s Midtown. Nakapasok din sa national finals sina national bowlers Raoul Miranda at Chester King na may 2,390 at 2,451 ayon sa pagkakasunod; Benshir Layoso (2,768) Krizziag Tabora (2,129), Kap Aguila (2,780) at Jaymee Bautista (2,064).

Ang second qualifying period para madetermina ang kumpletong set ng finalists ay ginaganap ngayon sa 17 centers sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Ang National finals ay sa Setyembre 12,13,15,16 at 18 para sa men’s at ladies champion, na may hawak ng Philippine passports ang kakatawan sa bansa sa 45th international finals na nakatakda sa Nobyembre 14-21 sa Melaka, Malaysia.


Show comments