St. Benilde binanatan ng San Beda

MANILA, Philippines – Para masolo ang ikatlong puwesto, binanatan ng three peat champion San Beda ang College of St. Benilde nang atakihin nito sa huling yugto ng laro upang iposte ang 86-66 bentahe sa pagpapatuloy ng 85th NCAA basketball tournament na ginanap sa The Arena, San Juan City.

Buong giting na sinalubong, nakapagtala si Garvo Lanete ng 16 points habang kumamada sina Ed Tecson, Jake Pascual, Borgie Hermida, Sudan Daniel at Adler dela Rosa ng 14, 14,12, 10, at 10 points, ayon sa pagkakasunod para maselyo ang ikalawang sunod na panalo at isiguro ang ikatlong pwesto sa overall ranking.

“I think we didn’t take them lightly, I think that’s the most important thing. I told them we can’t play with fire or we get burned,” pahayag ni San Beda coach Frankie Lim.

Naisahan ng Lions ang Blazers nang malusutan nito ang matinding depensa sa pamamagitan ng pagtirada sa outside shooting na nagpaangat sa koponan.

Naging makabuluhan ang crucial shot na binitiwan ni Lanete sa pagwasak ng taktika ng St. Benilde.

“We know he’s talented, very focused and makes the right decision, he’s really stepping up big for us this season,” ani Lim sa performance ng kanyang bataan na si Lanete.

Dinomina ang buong laban, hindi na nagawang humirit pa ng St. Benilde sa pagbulusok nina Pascual na tumipa ng 15 points, at Daniel na may 13 puntos ambag.

Minanipula ang boards, matagumpay na napunan ni American Daniel ang pagkawala ni Nigerian Sam Ekwe.

Nagsumite ng 17 points, nabigong ipagpatuloy ni Jeff Morial ang kampanya ng Blazers, habang kinapos rin ang 14 at 12 points na kombinasyon nina Jacob Manlapaz at William Johnston upang isalba sa kahihiyan ang St. Benilde.

Namayani sa buong laro, lalong nailayo ang kalamangan nang rumatsada sina Tecson at Lanete sa 4th quarter sa final canto na tumapos sa karera ng Blazers.

Sa isa pang seniors game, pinayuko ng Letran College ang Mapua, 73-51 upang makisosyo sa ikalimang puwesto kasama ang St. Benilde.

Nalasap ng Cardinals ang kanilang ikatlong sunod na kabiguan.

Sa juniors division, natameme ang CSB Junior Blazers sa SBC Red Cubs, 108-56, at sinibat naman ng Letran Squires ang Mapua Red Robins, 135-58. (Sarie Nerine Francisco)


Show comments