Wilson, NCAA Player of the Week

Manila, Philippines - Mabilis at biglaan ang kanyang improvement ngunit hindi sabay-sabay.

Bunga ng kanyang biglaang husay naging mainit na banta ng Jose Rizal U si John Wilson sa kaagahan ng 85th edisyon ng NCAA men’s basketball turnament.

Ngunit hindi naman nasorpresa sa lakas na ito ni Wilson ang kanyang mentor na si Ariel Vanguardia dahil isa ito sa nagtatrabahong players sa kanyang koponan.

 “He’s the first one to arrive on the gym and practice shooting and ?he’s also the last player out,” patungkol ni Vanguardia sa kanyang 6-foot-2? swingman mula sa Binangonan, Rizal, ang ikalawang recipient ng FilOil?-Accel NCAA Press Corps Player of the Week.?

“I think there is no other better shooter and slasher in the NCAA than ?him.”?

Naging instrumento si Wilson, na may average na 21 puntos sa unang tatlong tagumpay ng JRU, sa pagbulusok ng Bombers sa unahan.

 “Wilson and big man James Sena complement each other’s game,” ani Vanguardia, na ang koponan ay katabla ang San Sebastian sa markang 3-0.

Humakot ng 22 puntos, kabilang ang apat na tres na naging susi sa 83-69 panalo nila sa Perpetual Help noong Biyernes, humatak din ito ng 10 rebounds at 3 steals at walang turnover. (Sarie Nerine Francisco)


Show comments