^

PSN Palaro

JRU nakisosyo sa liderato

-

MANILA, Philippines - Humatak ang Jose Rizal University ng lakas mula kay John Wilson nang igupo nila ang Emilio Aguinaldo College, 83-69, at umakyat sa liderato kasama ang San Sebastian College sa 85th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Pinamunuan ni Wilson, 4th year PBL veteran ang Bombers sa kanyang kinamadang game high na 22 puntos, 10 rebounds, three steals at two assists upang banderahan ang JRU na maiselyo ang ikatlong sunod na panalo.

“He played big for us,” ani Jose Rizal coach Ariel Vanguardia patungkol niya kay sweet-shooting Wilson, na tumirada ng apat na triples.

Samantala, sa pamamagitan ng isang balanseng taktika, nailusot ng Mapua Cardinals ang panalo kontra guest team na Angeles University Foundation, 101-63 sa unang laro ng seniors.

Nagsalpak ng 21 puntos, kabilang ang 4 mula sa kanyang 11 pasabog na tres, naitaguyod ni Mark Acosta ang magandang kapalaran ng kanyang koponan. Habang nakatulong rin ang 13 at 12 puntos ambag nina Erin Cornejo at Jason Pascual sa pagkubra ng una nitong panalo matapos mabigo sa dalawang naunang asignatura.

 “It’s nice to win finally this season,” pahayag ni rookie coach Chito Victolero na siyang humalili kay Leo Isaac.

 Samantala, hindi nawalan ng pag-asa, pinagsumikapan ni team leader Allan Mangahas ang pagdepensa kung saan nakapagtala ito ng 8 shot blocks na tumapos ng 7 points sa loob lamang ng 16 minuto sa court.

“He provides us with his leadership and he creates situation for his other teammates,” ani Victolero sa pinamalas na enerhiya ni Mangahas.

Matapos makatikim ng pagkagapi sa malupit na kamay ng San Beda, matagumpay na napatalsik ng Cardinals ang Great Danes sa comfort zone nito makaraang supilin nito ang pagbulusok nina Aaron Santos at Matt Carney, na nakapagbulsa ng mataas na markang 29 at 24 puntos sa huli nitong laban kontra Emilio Aguinaldo College Generals noong Lunes.

 Sa mahigpit na depensa ng Cardinals, nalumpo nila ang power playing na si Carney nang makapag-ambag lamang ito ng matamlay na 7 points, habang natameme rin sa court si Santos na naging susi ng matagumpay na pananaig ng Intramuros-based squad.

Sa junior category, dinurog ng Mapua Red Robins ang AUF, 106, 57 habang inilampaso naman ng JRU Lights Bombers ang EAC, 135-58.  (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

AARON SANTOS

ALLAN MANGAHAS

ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION

ARIEL VANGUARDIA

CHITO VICTOLERO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

ERIN CORNEJO

GREAT DANES

JASON PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with