^

PSN Palaro

Pakistan nalagasan ng puwersa

-

MANILA, Philippines – Mula sa kanilang 50-50 tsansa, nawalang parang bula ang pag-asa ng bisitang Pakistan sa kanilang laban ng Cebuana Lhuillier-RP Team para sa Asia Oceania Group II Davis Cup tie sa Philippine Columbian Association (PCA) indoor tennis courts.

Ibinunyag kahapon ni Pakis-tan head coach Rashid Ahmad Malik na mas pinili ng No. 1 tennis player nilang si Aisamul Haq Qureshi na kumampanya sa Grand Slam tournaments sa United States kesa ilaban ang kanyang bansa sa Davis Cup tie.

“We are disappointed with his decision but we’re quite confident that the players we have right now will play up to their level,” ani Malik kay Qureshi. “We’re hoping for the best but it would have been better if he was here.”

Ang 29-anyos na si Qureshi, ang No. 288 sa singles at No. 87 sa doubles sa buong mundo at dating No. 3 ranked sa Asya, ang tumalo kay Fil-Am ace Cecil Mamiit, 4-6, 5-7, sa US Open qualifying match noong 2001.

Nakapasok ang six-footer na si Qureshi, iginiya ang Pakistan sa World Group Playoffs ng Davis Cup noong 2005 bago tinalo ng Chile, sa second round ng Wimbledon noong 2007.

Para sa unang singles match ngayong alas-3 ng hapon, makakasagupa ni Fil-Am Trent Conrad Huey si Aqeel Khan kasunod ang salpukan nina Mamiit at Jalil Khan.

Tatapatan naman bukas sa pareho ring oras nina junior standout Francis Casey Alcantara at PJ Tierro sina Jalil at Jibran Muhammadi sa doubles event.

Ang mananalo sa pagitan ng RP Team at Pakistani squad ang siyang haharap sa mananaig naman sa labanan ng Indonesia at New Zealand para sa promotional spot sa Group 1 sa Setyembre.

Tinalo ng mga Filipino netters ang Hong Kong, 4-1, habang binigo ng Pakistan ang Oman, 4-1, sa kani-kanilang first round ties. (Russell Cadayona)


AISAMUL HAQ QURESHI

AQEEL KHAN

ASIA OCEANIA GROUP

CEBUANA LHUILLIER

CECIL MAMIIT

DAVIS CUP

FIL-AM TRENT CONRAD HUEY

FRANCIS CASEY ALCANTARA

GRAND SLAM

QURESHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with