^

PSN Palaro

Helterbrand, Reyes di lalaro sa Jones Cup

-

MANILA, Philippines – Dahil sa iniindang hamstring injury, malaki ang posibilidad na mangulila ang Powerade-Team Pilipinas sa serbisyo ng dalawang top point guards na sina Jayjay Helterbrand at Ryan Reyes sa pagsabak nito sa William Jones tournament sa Taipei sa susunod na Linggo.

Mula sa pananakit ng paa noong Game 4 sa PBA Fiesta Cup Finals noong Miyerkules, hindi na nagawang pumasok pa ni Barangay Ginebra superstar Helterbrand sa huling apat na minuto ng sagupaan kontra San Miguel Beer.

Matapos ang laban, opisyal na pinahayag ni Kings coach Jong Uichico na nakaramdam ng pananakit at pamamaga ng kanyang back thigh muscles ang bagong hirang na Most Valuable Player ng Leo Awards.

Samantala, tulad ni Helterbrand hindi rin makakalaro si Reyes sa Jones Cup.

Bunga ng masamang kondisyon nito, inabisuhan ni Yeng Guiao si Reyes na pansamantalang tumigil muna sa paglalaro at ipahinga ang paa upang gumaling ang injury nito bilang paghahanda na rin sa partisipasyon nito sa 25th FIBA Asia’s Men Championship sa Tianjin, China sa Agosto, na tinuturing na regional qualifier para sa 16th World Championship sa Isatnbul sa susunod na taon.

“Mas mahirap kasi pag sa Jones Cup pa siya ma-injure uli. I would hate to cut him because of that,” pahayag ni Guiao.

Sa kabilang banda, pinalakas ng Pilipinas ang pagbubukas ng kampanya sa 9-team, single round robin tournament- na magbibigay pugay sa founding secretary general ng International Basketball Foundation (FIBA)-kontra Jordan na nakatakda sa July 18 sa Hsinchuang Gymnasium.

Sa pinapakitang paghihirap ni Helterbrand sa kanyang injury, maaring muling mapwersa si Guiao na ilipat na lamang ang responsibilidad nito kina Willie Miller at Gabe Norwood sa pagbitbit ng panalo sa Jones Cup.

Gagamitin rin ni Guiao ang kanilang mga naunang laban sa Taipei bilang final try-out bago nito tapyasin ang 14 man RP roster hanggang sa maatim ang final 12.

Nakatakda naman ang huling araw ng pagsusumite ng line up sa World qualifier sa Tianjin sa Hulyo 22. (Sarie Nerine Francisco)


vuukle comment

BARANGAY GINEBRA

FIESTA CUP FINALS

GABE NORWOOD

GUIAO

HELTERBRAND

HSINCHUANG GYMNASIUM

INTERNATIONAL BASKETBALL FOUNDATION

JAYJAY HELTERBRAND

JONES CUP

JONG UICHICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with