^

PSN Palaro

RP Davis Cup team may pag-asa vs Pakistan

-

MANILA, Philippines – Kumpiyansa ang Philippine Lawn Tennis Association (PHILTA) na maduduplika ng RP Davis Cup team ang 4-1 panalo sa Pakistan noong 2007 sa kanilang Asia/Oceania Group II second round tie.

Ito ang inihayag kahapon nina PHILTA Davis Cup coordinator Randy Villanueva at coach Chris Cuarto sa tropang binubuo nina Fil-Ams Cecil Mamiit at Treat Conrad Huey at local talents Francis Casey Alcantara at PJ Tierro.

"Our athletes continued training even after our Davis Cup tie against Hong Kong," wika ni Villanueva sa PSA sports forum kahapon sa U.N. Avenue sa Maynila. "So we're confident that we will be able to win again against Pakistan."

Nakatakda ang salpukan ng RP team at Pakistan squad para sa Asia/Oceania Group II second round sa Hulyo 10 hanggang 12 sa Philippine Columbian Association (PCA) tennis courts.

Ang grupo nina Mamiit, Huey, Alcantara at Tierro ang bumigo sa Hong Kong, 4-1, sa first round noong Marso para makasagupa ang Pakistan.

Tatlong laban ang pinagwagian ng 32-anyos na si Mamiit mula sa kanyang mga panalo sa dalawang singles at isang doubles matches para pamunuan ang bansa kontra Hong Kong.

Ang 17-anyos na si Alcantara ay lumahok na sa bigating International Tennis Federation (ITF) tournaments at sa tatlong Grand Slams, kasama na rito ang isang doubles victory sa Australian Open junior tennis tournament.

Ipaparada naman ng Pakis-tan, tinalo ang Oman, 4-1, sa first round ng Davis Cup tie, sina Aisam Qureshi, Ageel Khan, Jalil Khan at Yasir Khan.

Ang mananalo sa David Cup tie ng Pilipinas at Pakistan ang sasagupa sa alinman sa mananalo sa pagitan ng Indonesia at New Zealand sa Setyembre sa isang promotional tie para sa puwesto sa Group I. (Russell Cadayona)


AGEEL KHAN

AISAM QURESHI

AUSTRALIAN OPEN

CHRIS CUARTO

DAVID CUP

DAVIS CUP

FIL-AMS CECIL MAMIIT

FRANCIS CASEY ALCANTARA

HONG KONG

OCEANIA GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with