^

PSN Palaro

4 na titulo kuha ng China

-

MANILA, Philippines - Humakot ng apat na titulo, hindi natinag ang husay ng China sa larangan ng badminton nang angkinin nito ang mga titulo sa $120,000 Bingo Bonanza Philippine Open Badminton Championships sa PhilSports Arena, Pasig City kahapon.

Nagpasikat sa mga manonood, nilampaso ni Wang Xin ang top seed at world No.1 na si Zhou Mi ng Hong Kong sa maaksyong engkwentro nito na nagtala ng 21-10, 12-21, 23-21 iskor upang pagreynahan ang women’s singles division ng Grand Prix tournament.

Kinolekta ng Chinese shuttlers ang korona para sa mixed doubles, men’s singles at women’s doubles habang naiuwi naman ng Indonesia ang men’s double plum sa event na hatid ng Bingo Bonanza at organisado ng International Management Group.

Sa naunang laban, naisubi ng mixed doubles pairs ng China na sina Zhang Nan at Lu Lu ang $7,320 papremyo nang walisin ang tambalang Zhang Jinkang at Chen Zhiben, 22-20, 21-19 sa torneong handog ng PLDT Business Solutions, The Philippine STAR, Holiday Inn, Crowne Plaza, Philippine Sports Commission at Solar Sports.

Samantala, sa pamamagitan ng malalakas na palo ni three time Gold medalist Gao Ling at Wei Yili, napagkalooban nito ng ikatlong titulo ang China nang demolisahin nito ang top seeded pair ni Shendy Irawati at Meiliana Jauhari ng Indonesia, 21-11, 21-11 sa women’s doubles finals.

Nagwagi rin sa five-day tournament na ito sina No. 7 Chen Long na namayani sa laban nito kontra No.8 Hu Yun, Indonesian top seeded pair, Mohammad Ahsan-Bona Sepatano para sa men’s doubles crown. (Sarie Nerine Francisco)

BINGO BONANZA

BINGO BONANZA PHILIPPINE OPEN BADMINTON CHAMPIONSHIPS

BUSINESS SOLUTIONS

CHEN LONG

CHEN ZHIBEN

CROWNE PLAZA

GAO LING

GRAND PRIX

HOLIDAY INN

HONG KONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with