^

PSN Palaro

Pilipinas bokya uli sa medalya

-

SINGAPORE - Nagmintis ang Pilipinas sa potensiyal ba medalya sa 1st Asian Youth Games nang yumukoang boys’ team sa final match sa basketball sa Anglican High School dito.

Nagtulong sina Dong Yeop Lee at Jonghyun Lee sa paglatag ng pamatay na puntos at at ipalasap sa Pilipinasang kabiguan sa pamamagitan ng come from behind 33-29 panalo sa labanan para sa bronze medal sa FIBA 3-on-3 competition.

Abante ang PIlipinas, 21-18, biglang nawala ang pagka-agresibo nina Cris Michael Tolomia, Jeron Teng at Mario Emmanuel Bonleon Jr. at nagawang magrally ng kalaban sa pamamagitan ng 11-0 upang baligtarin ang resulta.

Tumirada ng 8 puntos si Jonghyun habang nagpako ng tatlo si Dong Yeop Lee sa gilid at kunin ang 29-21 bentahe may tatlong minuto na lamang ang nalalabi.

Nagpakawala ng tres si Bonleon at kumana ng drive si Teng para sa 26-31 ngunit ginamit ng Koreans ang kanilang lakas sa paint upang tuluyang hindi makalapit ang mga Pinoy.

Nauna rito, tinalo ng China ang Pilipinas, 34-31 sa semis na naglaglag sa Pinoy sa bronze medal na laban.

Sa kababaihan, pinatalsik ng Korea ang Pinay makaraang itala ang kumbinsidong 32-21 panalo sa quarterfinals.

Tumapos naman sa huli si Dorothy Grace Hong sa finals ng 100-meter backstroke event sa swimming habang nakapasok naman sa semis ng boys 100m butterfly si Jessie Khing Lacuna.

Naorasan ang 17 anyos na si Hong, ng isang minuto at 4.07 segundo sa event na napagwagian ni Yekaterina Rudenko (1:02.52) ng Kazakhstan. Na-kupit naman ni Claudia Lau ng Hong Kong ang silver (1:03.82) at bronze si Yulduz Kuchkarova ng Uzbekistan (1:04.07).

Nakapasok ang 16 anyos na si Lacuna sa semis na nakatakda kagabi sa bilis na 58.15 segundo sa likuran nina Korean Gyncheol Chang (56.41), Yousef Alaskari (56.50) at Derick Ng (57.05) ng Hong Kong.

Sa bowling, muling nakawala sa Philippines ang bronze medal sa girls’ team event nang umiskor lang ang quartet nina Alexis Sy, Lingling De Guzman, Madeline Llamas at Dyan Coronacion ng pinagsamang 2177 pinfalls.

Nasungkit ng Korea ang gold sa kanilang 2437 pinfalls habang ang Singapore (2304) at Japan (2425) ang kumuha ng silver at bronze, ayon sa pagkakasunod.

ALEXIS SY

ANGLICAN HIGH SCHOOL

ASIAN YOUTH GAMES

CLAUDIA LAU

CRIS MICHAEL TOLOMIA

DERICK NG

DONG YEOP LEE

DOROTHY GRACE HONG

DYAN CORONACION

HONG KONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with