Magkapatid na Asuncion talo, Alcala lusot sa quarterfinals
MANILA, Philippines – Matapos magpasikat sa gitna ng court, dinaig ni Malvinne Ann Venice Alcala si Camille Krisnin Yang sa pamamagitan ng 21-9, 21-7, sumugal ang local bets para makalusot sa quarterfinal round ng women’s singles ng $120,000 Bingo Bonanza Philippine Grand Prix Gold Badminton Championships sa PhilSports Arena, Pasig City.
Hindi pa nakuntento, humatak ng panalo ang 13 anyos na si Alcala makaraang ilampaso si Ella Dorado, 21-8, 21-3 sa unang round noong Miyerkules, at nagbigay pa ng iba’t ibang kombinasyon at estilo sa pagpalo para hiyain si Yang at isaayos ang showdown nito sa fourth ranked na si Jiang Yanjiao ng China na tumalo kay Nguyen Nhung Le Ngoc ng Vietnam, 21-13, 21-12, sa isa pang Last 16 clash.
Lumasap ng pinakamatinding bomba ang magkapatid na Kennie at Kennevic Asuncion, ang pinakamalakas na pag-asa ng bansa para sa medalya, nang yumuko ang magkapatid kina Yuting Deng at Zihan Qiu ng China, 21-19, 8-21, 16-21, sa mixed doubles sa torneong suportado ng Victor (PCOME Industrial Sales, Inc), PLDTBusiness Solutions, The Philippine STAR, Holiday Inn, Crowne Plaza, Philippine Sports Commission at Solar Sports.
Nangibabaw naman ang tikas ng Andrei Babad-Peter Gabriel Magnaye tandem nang walisin sina Paul Co at Gregorio Esquillo, 21-10, 21-12, ang madiskarteng istilo naman tumulong kina Kelvin Panganiban at Gabriel Villanueva upang maagang idispatsa ang tambalang Joffre Arollano at Cliff Yang, 21-16, 21-13 iskor.
Gayundin, pinakitaan ni Jobetth Co at Antonino Gadi si Filipino Jaime Junio at Indonesian Aditya Arifin nang matalo ang huli sa round of 32 matches.
Bunga ng iniindang hamstring injury ni Lloyd Escoses, nanghina ang pwersa ng tambalan nito kay Kennevic Asuncion na ginawang bentahe ng Chinese seventh pick Sun Junjie at Tao Jiaming para magningning sa Last 16. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending