Pinoy cagers, spikers nagningning
SINGAPORE — Nabokya ang Team Philippines sa medalya kahapon ngunit naging dominante naman ang performance sa ball games preliminaries sa ikalawang araw ng aksiyon sa first Asian Youth Games dito.
Magiting na nagsumikap ang Nationals ngunit nabigo pa rin makakuha ng medal-ya sa diving, bowling at shooting bagamat nagtala ng twin kill sa FIBA 3-on-3 at girls’ beach volleyball na nagsalba sa kahihiyan sa Pinas.
Kumana ng short stab si Cris Mike Tolomia sa final 1:06 minuto ng laban na naging dahilan upang makahatak ng come-from-behind na 27-26 tagumpay laban sa mas malakasat mas matatangkad na Iranian sa Anglican High School gym.
Tinapos ng RP cagers ang magandang araw sa pamamagitan ng pinaigsing 34-11 panalo laban sa Mongolians sa 2:25 minutes sa ikalawang yugto. At base sa FIBA 33 , kapag nakaiskor na ng 33 ang isang team ito ay ititigil na.
Literal namang hindi pinagpawisan ang Pinay cagebelles nang hindi dumating ang kalabang Kazakhs.
Umusad naman sina spikers Alyssa Valdez at Kim Fajardo ng isang hakbang patungo sa susunod na round nang igupo nila ang tambalang Nicanthika Yaddehi Gamahe at Mudiyanselage ng Sri Lanka, 21-18, 21-17.
Bigo naman sa kani-lang kampanya sina diver Natassia Marie Nalus at magkapatid na shooters na sina Dianne Nicole at Marie Isabelle Eufemio.
- Latest
- Trending