^

PSN Palaro

Red Lions taob sa Stags: Letran silat sa Arellano

-

MANILA, Philippines – Sa pamamagitan ng eksplosibong tres ni Jimbo Aquino sa 4th quarter, nayanig ang pwersa ng San Beda Red Lions kung saan nanghina ito, na sapat na para dominahin ng San Sebastian ang laban, 83-77 sa 85th NCAA season sa The Arena, San Juan City.

Bumandera sa kanyang season high na 26 points, nahatak ni Aquino ang lakas upang iposte ang dalawang sunod na panalo ng Stags.

Ginawa ang lahat, pi-naigting ng Stags ang depensa na siyang umakay sa tagumpay at sumira sa mahigpit na interior defense ng San Beda.

Sa nilapat na diskarte ni coach Ato Agustin, matagumpay rin nitong napigilan ang pagbulusok ng American player na si Sudan Daniel na nakapagtala lamang ng 5 shots at nagbigay ng 11 points para sa grupo. 

Naglista ng 15, 14 at 13 points, ayon sa pagkakasunod sina Bam Bam Gamalinda, Jake Pascual at Garvo Lanete, hindi na nakuhang harangin nito ang malapader na depensa ng Stags.

Nagtulong rin sina rookie Ian Sangalang at Gilbert Bulawan sa pagkumpleto ng solidong 26 puntos, 24 boards at 4 blocks, subalit kinapos pa rin para iabante ang koponan. Bagamat, malamya ang naging performance, kumolekta pa rin si Daniel ng 9 rebounds.

Subalit pambihira ang pinamalas na laro ni Aquino sa unang tatlong quarters, kung saan naging kontrolado nila ang sitwasyon.

Sa ikalawang seniors game, sinilat ng guest team Arellano U ang Letran, 81-73.

Sa Juniors, tinalo ng SBC Red Cubs ang SSC Staglets, 78-56, habang pinayuko ng Letran ang guest team Arellano, 105-76. (Sarie Nerine Francisco)


AQUINO

ARELLANO U

ATO AGUSTIN

BAM BAM GAMALINDA

GARVO LANETE

GILBERT BULAWAN

IAN SANGALANG

JAKE PASCUAL

JIMBO AQUINO

LETRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with