MANILA, Philippines – Idaraos sa July 4, Sabado at July 5 Linggo ang NAMSSA Philippines Supercross championships na tinaguriang Mayor Jun Bernabe Cup sa SM City Bicutan Speedworld Circuit.
Ito ay nakatakda mula ala-una ng hapon hanggang alas-5 ng hapon sa bagong Speedworld Circuit. Isang state of the art CAT Monark Heavy equipments ang magtatrabaho para sa track na tatampukan ng high jumps at obstacle para sa national competitions sa sentro ng Metro Manila. Magkakaroon ng round 6 ng 11 round race series na nakatakda ngayong taon.
Sasabak sa aksiyon ang mga riders mula sa Luzon Visayas at Mindanao na may riders na may edad 5 taong gulang hanggang 60 anyos na maglalaban-laban para sa riders National Philippine Supercross Champions awards sa pagtatapos ng racing season ng event na hatid ng CAT Monark Heavy Equipments, SM City Bicutan, Signeffex, JBS, Flamboyant, Topmaster, GCG pipes at Inside Racing.
“We are glad to have a facility of the Speedworld Circuit in the center of the city accessible to all our riders, fans and media proving the success of Supercross in the country today,” pahayag ni Macky Carapiet, President ng NAMSSA.
Lilipad ang mga riders sa ere para sa 60 feet upang tanghaling pinakamagandang show na masasaksihan sa bansa sa extreme at kapana-panabik na motorsports race na buwanang ginaganap sa sentro ng lungsod na humatak ng libu-libong manonood noong nakaraang buwan.
Para sa karagdagang impormasyon makipag-ugnayan sa NAMSSA sa www.namssa.org o tumawag sa 216 – 5198 o 0917 847 9785.