^

PSN Palaro

Sariling balwarte ang hahatak sa magkapatid na Asuncion

-

MANILA, Philippines – Inspirado sa sariling teritoryo, aasa-hang huhugot ng lakas ang magkapatid na Kennevic at Kennie Asuncion sa pagpalo para sa tagumpay sa local challenge sa mixed doubles event ng $120,000 Bingo Bonanza Philippine Badminton Open Championships na magsisimula sa July sa PhilSports Arena. 

Kahit lumagpak bunsod ng kakulangan ng exposure sa international competition, subok na ang kakayahan ng beteranong mag-utol upang iparada ang galing ng Pinoy sa mixed doubles ngayong linggo.

Sa kabila ng No. 15 pwesto ng Alfredo Mailom-Pauline Ramos tandem, nanati-ling paborito ang magkapatid na lumagay lamang sa No. 21 slot dahil sa kanilang subok at epektibong tambalan.  

Ang pares ay nakatakdang makipagharap sa duo ng Malaysia, Indonesia, China, Japan, Slovenia at Hong Kong na pangungunahan ng world No. 11 Yohan Wiratama at Hoi Wah Chau.

Samantala, ang kabuuang bilang na 145 manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng mundo ay inaasahang makikilahok sa Graded Four Star o Gold event na hatid ng Bingo Bonanza at inorganisa ng International Management Group.

Positibo sa kanyang pananaw, malaki ang tiwala ni Former First Lady Amelita “Ming” Ramos sa abilidad ng Pinoy na kaya nitong ipangalandakan sa buong mundo ang angking galing sa naturang isport at kumuha ng mataas na ranking points sa torneong kinikilala ng Philippine Badminton Association at suportado ng Victor (PCOME Industrial Sales, Inc), PLDT Business Solutions, The Philippine STAR, Holiday Inn, Crowne Plaza at Solar Sports. (Sarie Nerine Francisco)


ALFREDO MAILOM-PAULINE RAMOS

BINGO BONANZA

BINGO BONANZA PHILIPPINE BADMINTON OPEN CHAMPIONSHIPS

BUSINESS SOLUTIONS

CROWNE PLAZA

FORMER FIRST LADY AMELITA

GRADED FOUR STAR

HOI WAH CHAU

HOLIDAY INN

HONG KONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with